Awit ng mga Awit 6:9
Print
Ang aking kalapati, ang aking sakdal ay isa lamang; Siya ang bugtong ng kaniyang ina; Siya ang pili ng nanganak sa kaniya. Nakita siya ng mga anak na babae, at tinawag siyang mapalad; Oo, ng mga reina at ng mga babae, at pinuri siya nila.
Ang aking kalapati, ang aking walang kapintasan ay isa lamang; ang kinagigiliwan ng kanyang ina; walang kapintasan sa kanya na nagsilang sa kanya. Nakita siya ng mga dalaga, at tinawag siyang maligaya; gayundin ng mga reyna at ng mga asawang-lingkod, at kanilang pinuri siya.
Ang aking kalapati, ang aking sakdal ay isa lamang; siya ang bugtong ng kaniyang ina; siya ang pili ng nanganak sa kaniya. Nakita siya ng mga anak na babae, at tinawag siyang mapalad; Oo, ng mga reina at ng mga babae, at pinuri siya nila.
nag-iisa lang ang aking sinisinta. Tunay na maganda at walang kapintasan. Ang tanging anak na babae ng kanyang ina at pinakapaborito pa. Ang mga babaeng nakakakita sa kanya ay hindi mapigilang purihin siya. Kahit na ang mga asawang reyna at asawang alipin ay humahanga sa kanya.
Ngunit ang tangi kong mahal ay iisa lamang, kalapati ang katulad ng taglay niyang kagandahan. Nag-iisa siyang anak ng ina niyang minamahal, kaya siya'y mahal nito nang higit sa kaninuman. “Tunay na siya ay mapalad,” mga dalaga'y nagsasabi mga reyna't kalaguyo sa kanya ay pumupuri.
Ngunit ang tangi kong mahal ay iisa lamang, kalapati ang katulad ng taglay niyang kagandahan. Nag-iisa siyang anak ng ina niyang minamahal, kaya siya'y mahal nito nang higit sa kaninuman. “Tunay na siya ay mapalad,” mga dalaga'y nagsasabi mga reyna't kalaguyo sa kanya ay pumupuri.
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978; Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001) Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001; Ang Dating Biblia (1905) (ADB1905) Public Domain; Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) (ASND) Ang Salita ng Dios (Tagalog Contemporary Bible) Copyright © 2009, 2011, 2014, 2015 by Biblica, Inc. ®; Magandang Balita Biblia (MBBTAG) Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.; Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon) (MBBTAG-DC) by